KMU to Nexperia workers: Yes to job security, yes to strike!

Humigit kumulang 600 na ang mga manggagawang tinanggal ng kapitalistang Nexperia simula noong nakaraang taon. Ginamit ng management na criteria ang performance at pinrayoridad nilang tanggalin ang mga manggagawa na itinuring nilang mayroong “low performance.” Labag ito sa nakasaad na probisyon sa Collective Bargaining Agreement ng unyon.

Buong-buo ang suporta ng Kilusang Mayo Uno sa laban ng mga manggagawa sa Nexperia sa kanilang strike voting ngayon. Yes ang tugon ng mga manggagawa sa kanilang strike voting bilang pagtindig laban sa malawakang tanggalan at mga atake sa mga manggagawa ng kapitalistang Nexperia. Sa pagsasagawa ng strike, sama-samang maipagtatanggol ng manggagawa sa Nexperia ang kanilang katiyakan sa trabaho.


Ang Nexperia Philippines Incorporated ay kilala dati bilang Philips Semiconductors na matatagpuan noon sa Las Pinas. Kilala noon ang Philips Semiconductors bilang massive producer ng mga cable TV antennas na kalauna’y na-phaseout dahil sa linulunsad nitong automation o digitalization. Dahil din dito, napalitan ang Cable TV Antennas Department ng Sensors Department. Ganoon din ang nangyari sa iba’t ibang departments ng kumpanya.

Noong 1981, ibinenta ng Philips ang 80.1% ng shares nito sa US investors. Pagdating ng 1996, lumipat sila sa enklabo ng Light Industry and Science Park 1 sa Cabuyao, Laguna. Noong 2006 naman, nakilala na ang Philips Semiconductors bilang NXP Semicon. Nagpokus ang kumpanya sa produksyon ng mga chips sa cellphones at base stations o cell sites. Nahiwalay din ang mga departments ng kumpanya at ibinenta sa iba’t ibang mga investors na galing sa US at China.

Pagdating ng 2017, binili ng WingTech, pagmamay-ari ni Wing Zhang, at isang partially state-owned na kumpanya. Nitong taon na rin, kilala na ang kumpanya bilang Nexperia Philippines Incorporated na isang multinational semiconductor company na lumilikha ng mga chips na ginagamit sa mga automative industry, e-vehicles, cellphones, at iba pa. Kilalang supplier din ang Nexperia sa iba’t ibang kumpanya tulad ng Bosch, Continental, Denzo, Huawei, Neltz, Xiaomi, Tesla, at Samsung.

Marami rin itong manufacturing at assembly sites labas sa Pilipinas tulad ng Germany, United Kingdom, at Malaysia. Ang headquarters naman nito ay nasa Netherlands at China.

Ipaglaban ang katiyakan sa trabaho!
Suportahan ang laban ng mga manggagawa ng Nexperia!


Posted

in

, , , , ,

by