Panukalang dagdag sahod, bunga ng laban ng manggagawa

Available in English

Mabuting balita para sa mga manggagawa na mayroong pag-usad ng panukalang batas para sa dagdag-sahod na P100 sa Senado. Kinikilala ito ng manggagawa bilang tugon sa walang-patid na paggigiit para sa signipikanteng wage increase at nakabubuhay na sahod.

Positibong hakbang ang pagpasa ng SB 2534 sa Senate Committee on Labor Employment bilang obligasyon sa pagharap sa matagal nang kahingian ng mga manggagawa. Tinatawagan rin namin ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan na paandarin na rin ang mga pagdinig sa mga panukalang batas sa Kongreso para sa dagdag-sahod. Mas kapaki-pakinabang ang oras ninyo kung ito ang pagtutuonan ng pansin kesa sa bangayan at Charter Change.

Positibo man ang panukalang P100 wage increase, lubhang napakalayo nito sa P1200 na halaga ng family living wage. 

Kung napagalaw ang Kongreso dahil sa lehitimong kahingian at malakas na laban ng manggagawa sa family living wage at National Minimum Wage, kumpyansa ang manggagawa na kaya pang kamtin ang mas mataas pang halaga sa ibayong pagpapalakas ng laban sa iba’t ibang larangan. 


Posted

in

, ,

by